Linggo, Enero 4, 2015

Pangalawang araw ng paglalakbay

Sa pangalawang araw nga aming paglalakbay sa Ilocos kami ay hindi muna nakaalis dahil sa problema sa aming sasakyan. ang aming magulang ay umalis (nagjogging) upang bumili ng pandesal. pagkatapos sila ay nagdilig ng halaman. Kami naman ay umalis upang libutin ang mga palayan at tanawin na malapit sa aming bahay.

Kami ay gumamit ng bisikleta habang sila ay nagmotorsiklo. una naming pinuntahan ang taniman ng maliliit na tobacco. tapos pumunta kami sa isang bahay at nagpaalam kung maaring puntahan ang kanilang taniman. kami ay binigayan naman nila ng pahintulot. Nagpakain kami ng mga kambing. Sa ilokano ang tawag dito ay kalding. kinuhanan kmi ng video habang nagpapakain.

Pagkatpos naming puntahan ang mga palayan pumunta naman kami sa isang tulay (hanging bridge) doon kumuha kami ng mga letrato at umalis na rin kaagad. kami ay bumalik na sa aming bahay at kumain na ng almusal tapos umalis na ang aming mga magulang at namalengke ng aming tanghalian. Habang sila ay namamalengke kami naman ay nananaliksik ng mga lugar na aming pupuntahan sa ilocos norte at mga impormasyon tungkol rito.

Nang nakabalik na ang aming mga magulang naghahahnda na sila ng mga gagagmitin sa pagluluto at nagaayos na ng mga kagamitan. kami naman ay umalis upang maglaro tapos kami ay tumulong na sa pagiihaw sa labas ng bahay. Ang aming mga inihaw ay mga sariwang gulay at karne ng baboy.  Sa loob naman ng bahay niluluto na nila ang pinakbet. Pagkatapos maluto ng mga pagkain kami ay kumain na sa dahon ng saging at kami ay nakakamay lamang. Tinatawag nila itong boodle fight. tapos kumain na kmi ng mga prutas bilang panghimagas. Kami ay nagpahinga na at nagpatuloy sa pnanaliksik.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento