Linggo, Enero 4, 2015

Ilocos sur

Sa aking paglalakabay sa Ilocos nakasama ko ang aking kagrupo sina Jo-al at Rhaena. Nagbiyahe muna sila galing manila papunta sa Candon Ilocos sur dahi mayroon kaming bahay doon at doon muna sila pansamanatalang maninirahan. Pagdating nila sa Candon sinundo namin sila dahil ang aming tahanan ay medyo malayo sa bayan. Sa kanilang pagdating kasama nila ang kanilang mag magulang. Sa pagdating naming ahat sa aking tahanan hinanda na namin ang aming mga gamit at kami ay kumain tapos kami ay umalis na.

Sa aming paglalakbay una naming tinigilan ang Sta. maria church sa Sta. Maria Ilocos sur. Ako ay namangha dahils sa napakadaming baitang sa hagdanan upang makataas dito ganda ng straktura nito natuklasan ko na isa itong UNESCO World heritage site. Napakganda ng simbahang ito at kitangkita na ito ay matanda na. Nang kami ay pumasok na sa loob ng simbahan nakita namin ang maraming tao na naglilinis nito. ipinapakita nito na ang simbahang ito ay inaalagaan.

Sunod naming pinuntahan ang Banaoang bridge. Pinagdudugtong nito ang bayan ng Santa at Bantay. Ito ay dumadaan sa Abra river. Mayroong paniniwala na kapag unang beses mong mapuntahan ang tulay na ito sa pagdaan mo dito kailangan mong humiling at sa pagdaan mo dito kailangang huwag kang huminga upang matupad ang iyong kahilingan.

Pagkatapos naming pumunta sa banaoang bridge kami ay dumiretso na sa Bantay Curch na nasa Bantay Ilocos sur. Sa tabi nito ay ang magndang bell tower na dinadayo ng maraming turista. Maraming tao ang pumupunta dito. taos kami ay dumiretso na sa Vigan Ilocos sur. /magkalapit lang sila ng Bantay. namanagha kami sa magagndang tanawin dito at sa straktura ng mga gusali na kakaiba at halatng luma na. ang ubang mga gusali ay ginagawa pa at pianpaganda.

Sa aming pgalalakbay sa Vigan pinuntahan namin ang iang burnayan doon. nakita amin at nakausap ang isang National artist na si Fidel Go. Bumili kami ng isang vase at pipnapirmahan ito. Bumili kami ng mga souvenirs dito. Nakita din namin kung pano ginagwa ang mga burnay sa lumang paraan. Pagkataos namin itong puntahan pinuntahan namin anmin ang Baluarte ni Chavit. Isa iitong pasyalan (zoo) na naglalaman ng mga hayop na nanggaling pa sa ibang bansa.


Pagkatpos kami ay namasyal na sa Vigan. Bumili kami ng Vigan empanada bilang aming hapunan isa ito sa mga dinadayo ng turista. nakita nga namin na ito ay pinipilahan ng mga tao. tapos namasyal ulit kami pumunta kami sa mga tindahan ng souvenirs habang inaantay ang aming kagrupo na sumamba. Pumunta kami sa isang simbahan doon na nasa harap ng fountain sa Vigan hindi na namin ito napanood dahil napakaraming tao ang pumunta rito. kami ay kumuha ng mga letrato habang kami ay namamasyal. Pagkatapos noon kami ay umuwi na.






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento