Linggo, Enero 4, 2015

Ilocos norte

Sa aming paglalakbay sa Ilocos norte kami ay gumising ng napakaaaga dahil ito medyo malayolayo sa aming bahay. Dumaan muna kami sa Philippine Science High School I.R.C. dahil mayroong kailanagng kunin ang aking kapatid doon. ito ay matatagpuan sa San Ildefonso na malapit sa Vigan Ilocos sur.

Pagkatapos naming dumaan sa Pisay kami ay dumiretos na sa Pagudpud Ilocos norte. haang kami ay papunta marami na akming nakikitang mga windmills. Nang kami ay nakarating na sa Pagudpud kami ay tumigil sa bantay abot cave. Napakaganda ng tanawin doon. Napakalakas ng hangin at medyo umaambon at malamig. madula at mabato doon. medyo maaga pa ng kami'y pumunta roon kaya noong kami ay paalis na sbrang dami ng tao ang nagsisipuntahan. tapos nagkuhanan naman kami ng letrato sa arko ng pagudpud at uamalis na.

Pagkatapos namin sa Pagudpud, dumiretso na kami sa Bangui, malapit lang ito sa Pagudpud. Pinuntahan namin ang windfarm nito na matatagpuan sa tabing dagat. napakagandang tanawin ng mga windmills nito, ito ay bihira lang sa Pilipinas at maganadang tanawin kaya ito dinadayo ng turista. Dito kumukuha ng enerhiya ang bayan nila. Malaki ang naitutulong nito sa mga tao.

Dumiretso na kami sa Kapurpurawan Rock formation. Pag pupunta ka dito bababa ka muna sa medyo mahabang hagdanan tapos maglalakad sa paligid ng mga matitinik na halaman. Ang pangalan nito y nagmula sa kaniyang kulay. Dahil ito ay gawa sa limestone io ay puti at ang ilokano ng puti ay puraw kaya ito naging kapupurawan rock formation. habang papalakad ka dito may makikita kang istatwa ng lalaki na pumapatay ng isang buhaya.


Pagkatapos noon, pumunta na kami sa Malacanang of the north. Napakaganda nito at napakalinis. Nakiat namin doon ang lumang tirahan ng pamilya ni Marcos. Kumuha kami ng mga letrato nito habang nililibot ang kapaligiran. dumako naman kami sa Marcos Presidential Centre. Nakita namin kung ano ang mga kagamitan ni Marcos dati, kung paano niya nakamit ang kaniyang tagumay, kung ano ang kaniyang mga pinagdaan. Katabi noon ay ang Marcos mausoleum. Nakita namin ang pinreserbang katwan ni Marcos maraming nagsasabi na hindi ito ang tunay niyang katan at ito lamang ay gawa ss wax. Nagpunta rin kami sa Photo gallery.




Ang pinakahuli naming pinuntahan ay ang Paoay Churh. Maraming turista ang nagpupunta rito dahil isa itong UNESCO world heritage site. Sobrang tanda na ng simbahang ito. ito na nabuo noong 1710. sikat ito sa kakaiba nitong arkitektura na dinisenyo para sa lindol. kami ay nagdasal at kumuha ng mga letrato dito.

2 komento: